-------------------------------------------------------
hello kat! katukayo! kwento ko lang sinasabi kong 2008 ang "God's time" for me.. mahaba kasi d kasya sa text message.. :
game.
i like going to healing masses.. feel ko eh.. may nagcomment pa nga sakin before na "bakit punta ka ng punta sa mga healing mass na yan? gumagaling ka ba?" ang pessisimist noh? i may not be fully well pero feel ko nman na gumagaling ako.. maybe not physically.. pero emotionally and spiritually..
ang galing lang kasi ganito ako mag-isip.. tapos as in tanggap ko whatever is happening to me.. dati akala before my 1st brain surgery, kala nila na i'm just hiding my real emotion na nagtatapang-tapangan lang ako.. my mom & friends even ask a priest friend to talk to me pra ma-realease whatever i'm hiding.. pero wala tlga! ewan ko ba.. ok lang talaga sakin.. and syempre i thank God for that.. siguro nung holy week nung 2006 kaya ako mejop nag struggle emotionally kasi i've been too confident na anjan lng si God.. hindi na ko kumakatok sa kanya.. hay super talaga yung week na yun! parang nababaliw na ko.. ayun i'm always praying.. lagi akong may hawak na cross.. prang feeling ko pag binitawan ko yun eh bibitiw din ako.. parang naglalaban sain ang good n back.. prang yung mga sat.v. or pelikula or cartoons nagaaway ang angel n devil.. hehe. ganun ang feeling! nakakatawa! pero syempre nanalo ang good! as in after easter sunday OK na ko! i told my mom na from that day i'll do what i can na.. basta kaya ko, gagawin ko.. pra hindi na din sila mahirapang mag-alaga sakin.. tapos sabi ng mom ko na wag kong gawin kasi sanabi nya.. pero sabi ko hindi gusto ko talaga! ayun.. nauso life must go on ko! hehe. back to "in God's time" uli.. kasi nung retreat nmin nung highschool pinakausap samin si God.. pinapunta kami kung san nmin feel tpos talk to God lang.. ask questions din.. eh feeling ko naman nasasagot yung mga questions ko.. kya i find it effective talaga.. ayun.. feel ko lang syang gawin.. natutuwa ako eh.. syempre sakin din galing yung anwers.. pero san ba manggagaling yung mga anwers na pumapasok sa utak ko.. i believe na kay God din.. He won't let me think of it nman kung kung d yun yung anwers nya.. kasi sya kausap ko.. in my mind.. kya sesend nya din sa mind ko yung answer.. parang ym or text lang! hahaha! kung yung ibang tao eh sign ang hinigingi kay God.. ako answers in my mind.. kanya-kanyang trip lang yan.. walang basagan ng trip! hahaha! ayun.. pagkausap ko sya eh feeling ko anjan lng sya sa tabi ko.. or sa harap ko.. or sa likod ko.. tapos yun na nga.. nasanay na ko.. ayun.. feeling close friends na.. jino-joke ko na din sya minsan.. yung normal self ko lang kung pano ako sa ibang tao.. kung pano ako sa friends ko.. parang true story eh noh? parang true to life story ng friendship namin! pang-MMK! wahaha! game. kwento ko na talaga yung God's time.. eto na.. out of boredom.. kasi naka-upo ako sa sofa.. while waiting for my turn to use the pc.. eh d ko feel yung palabas na pinapanood nila sa t.v.. so yun.. i talked to God nalang..ME: hi Lord! musta ka na?
GOD: i'm fine.. busy with the world.. but i'm fine.. i have time for everyone..
ME: ako din Lord ang busy ko ngayon eh
GOD: kaya mo yan.ME: kaya mo din yan Lord!
*hugs* (eh feel koinug ako ni Lord eh.. bkt ba?)
ME: speaking of time.. since magkausana din tayo ngayon.. matanong ko lang.. kelan nga ba yung "God's time"? ikaw lang nakakaalam eh..
GOD: 2008.
ME: *super excited* ay talaga Lord? thank you po.
GOD: you're welcomeME: gtg na Lord.. ako na daw gagamit ng pc..
GOD: ok. andito lang ako.***END***
nakakatawa! parang baliw lang! hahaha! secret ko lang yan talaga.. eh i'm so madaldal.. ayun nakwento ko sa mami ko.. tapos masmadaldal mom ko.. kinuwento kung kani-kanino.. hehe. kasi para akong baliw jan.. nakakatawa! siguro kaya 2008 pa eh may purpose pa sakin si God while i'm in this condition eh.. one of it siguro eh para madami ako ma-inspire.. para din ma-express ng ibang tao yung kindness nila.. ayun nga.. yung mga supporters ng hEAR campaign ko.. ang saya kaya! i feel so used by God.. ang galing eh.. at saka eto pa.. if i'm not sick, we won't be able to know each other.. diba? eh feeling ko nman nagawa ko na yung purpose ko in this conditoin.. next level na ‘to! yung pag magaling nman ako.. hehehe! :P grabeh i was so excited talaga nung new year na! everyone was jumping tapos sigaw ako ng sigaw ng: "2008 na! God's time na!" i even announce it sa mic.. hehe. ang saya kasi eh.. tapos few days after u texted me nga to checkout fr. fernando's healing mass sked at his website.. ay grabeh! nakakatuwa talaga when i saw that it is fr. fernando suarez pala! kakatuwa! kaka-excite! i'll blog about it next time kung bkt ako super na excite! hanapin ko pa yung pic yung pick o dati nu healing mass nya din nung 2006 ata yun.. thank u thank u ah.. :) ang haba naman nito! :P
No comments:
Post a Comment