Pages

Friday, November 30, 2007

Transcript: Probe

eto nalanG munA.. wala pa yung video eh.. loko-loko kasi youtube eh.. to follow nlng.. super thank u ysiad!!!

TRANSCRIPT BY YSIAD

Kuya Robert: Sa gitna ng nakaririnding katahimikan, gumagawa ng ingay ang isang dalagang tinamaan ng kakaibang sakit. Tunghayan ang kanyang istorya sa A Probe.

Paralisado ang kaliwang bahagi ng katawan. Hindi maigalaw ang kanang bahagi ng mukha.
Hindi makangiti, hirap lumunok, kahit lumuha. Malabo ang paningin, hindi na makarinig.

Ganito ang nilalabanang sakit ni Kathrina Yarza, isang graphic artist. Meron siyang Neurofibromatosis Type 2, o NF2 na sanhi ng kanyang mga tumors sa utak at spinal cord.
Namamana daw ang sakit na NF2. Sa tatay ni Kcat nakita ang NF2 gene, pero sa kanya tumubo ang sakit.

Unti unting lumabas ang mga sintomas ng NF2, habang tumatanda si Kcat. Nung una iba iba
ang naging basa ng mga doktor sa kanyang sakit. Walong taon ang lumipas bago ito natukoy.


Kcat: Laging sumasakit ulo ko, tapos ayun nga, tapos nahihilo ako, nagdo-double vision ako. Dati nung jino-joke lang ako ng mommy ko na bingi nga daw ako. Tatawagin niya ako, Kathrina, tapos hindi ko maririnig. Tapos nalaman namin, eh talaga palang nabibingi na ko. Meron na pala kong mga brain tumors, brain tumors, tatlo na ang brain tumors ko, na malalaki.


Ate Madge: Twice a week ang theraphy niya.

Kuya Robert: Permanente ang pagkabingi at paralysis na dala ng sakit ni Kcat. Dahil maselan ang lokasyon ng mga tumor, delikado operahan at tanggalin ang mga ito. Sa bilang ng PGH, may tatlo hanggang limang tao lang ang nada-diagnose ng NF2 bawat taon.

Dr. Lopez: Sakit ito with a genetic basis. Because the most dominant lesion is the tumor affecting the sense of hearing, the nerves for the sense of hearing, so the most common presentation or manifestation is loss of hearing. So unti unti nabibingi ka. And she also has a tumor at the cranial vertebial junction, between the brain and the spinal cord. And that caused the paralysis on one side. And then plus she has multiple tumors also in the spinal cord that causes also additional weakness of the limbs, of the upper and lower extravities. In that sense, double, triple ___ nga siya.

Kuya Robert: Twenty-five years old si Kcat. Hindi niya na natapos ang kursong Fine Arts dahil tuluyan na siyang nanghina sa huling taon niya sa kolehiyo.

Kcat: Parang in denial ako, tapos nung ano, Holy Week 2006, talagang dun na, gumanun sa akin na may sakit ako, wala akong magawa, bingi ako, may sakit ako, hindi ako nakakalakad. Sabi ko, ang bagal bagal, parang feeling ko ang bagal bagal ng nangyayari sa mundo. Saka gusto ko kasi mag-stop ang mundo kasi hindi pa ko, wala pa ko, hindi ako nakakalakad, nakaupo lang ako. Hindi ako makasali.

Kuya Robert: Hindi man matanggap ang nangyari, ayaw patalo ni Kcat.

Kcat: After Easter Sunday, parang bigla na lang, bigla kong sinabi - life must go on. Eh ang sa akin naman, kasi eh alangan naman sabihin ko, oi meron akong tumor, alangan naman umiyak ako di ba. Hindi ko naman kailangan na magmakaawa na sabihin na ah, may tumors
ako. Try to look at the positive side of things lagi, kahit yung pinaka-negative, may positive yan.

Kuya Egay: Makikita mo din kay Kathrina, how positive she is eh. Wala kang, parang wala
na kong karap- nawalan na ko ng right na magtampo pa o ano eh.

Kuya Robert: Humanap ng lunas si Kcat. Sa Internet nadiskubre niya ang Auditory Brain Implant o ABI, isang instrumentong dinisensyo para makarinig ng bahagya ang mga merong NF2.

Aabot ng 1.5 million ang ABI, halagang hindi kayang kitain ng mga magulang ni Kcat. Para
makabili ng ABI, inilunsad ni Kcat kamakailan ang kampanyang hEAR. Nagbebenta siya ng
mga t-shirts na siya mismo ang nagdidisenyo. Nadali man ng NF2 ang kaliwang kamay na
gamit niya noon sa pagdo-drawing, yung kanan naman ang gumagalaw sa paglikha ng mga disenyo sa computer.

Ate Madge: Sabi niya, "Mommy, magpa-fund raising na lang tayo ng t-shirt. Sabi niya Mommy kasi mas maganda to. Hindi tayo hihingi ng pera, nagbebenta tayo. And yung sa tubo natin, dun tayo makakakuha ng savings. Kesa Mommy nanghihingi tayo ng pera.

Kuya Robert: Mula sa donasyon ng kaibigan ang puhunan ng hEAR. Sa mga blog at website
niya ina-advertise ang kanyang produkto. Sa loob ng dalawang linggo, nito lang Nobyembre, nakaipon ng 20 thousand si Kcat sa benta ng mga t-shirts.

Kcat: Yung kikitain ko dun, mapupunta lahat para dun sa medical fund ko, para dun sa iniipon ko. Kasi ang mahal mahal ng device na yun, ang nakakalungkot nga kasi ang mahal. Pero ok lang naman, everything is possible, kaya yan. Kaya ko siyang ma-raise, kasi gusto ko.

Therapist: Pati kami mga therapists nai-inspire dahil sa kanya.
Kuya Robert: Wow.

Kuya Robert: Maraming humanga at nagnais na tumulong kay Kcat dahil sa sinimulan niyang kampanya. Kabilang na ang kanyang doktor.

Dr. Lopez: If you had seen Kathrina during her worst time, I did not think that she was going to survive. But she not only survive, she bounced back, and now she's leading her own campaign in trying to better herself, trying to seek additional treatment. Best two words to describe her is number one, she is amazingly positive in her attitude. And number two, gutsy, never say die.

Kuya Egay: Actually ang feedback na naririnig kong sa mga kaibigan ko sa office ko kay Kathrina. Bilib kami sa anak mo, ang galing! Sabi nila, ibang klase, ibang klase magdala ng problema. They're also planning na magtatayo ng isang corner dun sa office namin and then i-advertise dun yung project nga ni Kathrina, yung self-designed shirts niya.

Kuya Robert: Kahit mga taong di niya kakilala ay napahanga ni Kcat.

David Mallari: Mukhang maganda yung cause niya. Nakakatuwa yung story niya. Nakakatuwa yung fighting spirit nung bata, gusto talagang niyang ma-improve yung sarili niya. Naghahanap siya ng tulong. Gusto niyang gumaling, pero hindi siya naghahanap ng awa.

Melvin Lee: Of course you'll feel sorry for them. Pero, I also admire, yung kanilang tapang. Yung kanilang strong, you know, strong-willed spirit. At the same time, it helps people be aware of what kind of sickeness. Kasi parang kakaiba yung sakit niya eh.

Kuya Robert: Sa kabila ng kapinsanan ni Kcat, bawal daw na maawa sa sarili.

Kuya Robert: Hindi ka ba, nade-depress?

Kcat: Hindi ako nade-depress, bawal yun eh. Parang, parang walang space para ma-depress.
Parang kung made-depress ako, pahihirapan ko lang sarili ko. Natutunan ko na ma-appreciate yung kahit maliliit lang na bagay na nagagawa ko. Eh yung tipong kahig nga isang step lang pag naglalakad ako, minsan isang step lang na ganyang, talagang naa-appreciate ko talaga.

Kuya Robert: Pero hindi natatapos sa sarili ang kampanyang isinusulong ni Kcat.

Kcat: Talagang gusto ko talagang may magko-contact sa 'kin na NF patients din kasi gusto ko talagang magtayo ng support group para sa may mga neurofibromatosis, kasi nag-research din ako, tapos wala dito sa Philippines. NF patien din ako, gusto ko silang
tulungan din. Hindi ko sila mabibigyan ng pera, pero tutulungan ko sila, emotionally, spiritually, parang sasabihin ko na, ako kaya ko, ganyan, kasi nagsu-survive naman ako.

-End-

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...